OPINIONS / COLUMNS  (September 22 – September 28, 2008)

 

KAKAMPI MO ANG BATAS

Atty. Batas Mauricio

 

Showdown between Senate and Court of Appeals looms

 

SHOWDOWN AT THE SENATE AND COURT OF APPEALS: A showdown is fast shaping up between some justices of the Court of Appeals and Senate Majority Floorleader Francis Pangilinan.

If this is not averted real soon, it may again result in a greater loss of the people’s confidence in the Philippine’s judicial and justice systems, already bruised as it were with recent scandals involving the judiciary just a few days back.

Last Sunday, Pangilinan warned six justices of the appellate court that he is going to make it hard for them if they aspire to be promoted to the Supreme Court next year, where six vacancies will occur as a result of the mandatory retirement of an equal number of magistrates from the high tribunal.

The reason for the warning? Pangilinan believes that the justices appear to have favored Malacanang in their decisions, particularly in jettisoning the petition for writ of amparo which relatives of ZTE Broadband deal whistleblower Jun Lozada filed, ostensibly to position themselves for the vacant seats in the Supreme Court.

“Gigilingin ko sila sa aking mga panayam sa Judicial and Bar Council o JBC,” added Pangilinan, who is a member of the JBC as the Senate representative.

***

CA JUSTICES PAGPAPALIWANAGIN: Idinagdag ni Pangilinan na pagpapaliwanagin niya ang mga justices ng Court of Appeals kung ano ang batayan ng kanilang mga naging desisyon sa kaso ni Lozada, at maging sa labanan ng Meralco at Government Service Insurance System o GSIS.

“Tanging yung mga taong marangal, may integridad, at walang bahid dungis lamang ang karapat-dapat maupo sa Korte Suprema,” ayon pa kay Kiko.

Ang mga binalaang justices sa isyu ni Jun Lozada ay sina Associate Justices Celia Librea Leagogo, Sixto Marella Jr., at Regalado Maambong. Ang mga justices namang kinastigo ni Kiko sa isyu ng Meralco-GSIS ay sina Associate Justices Vicente Roxas, Jose Sabio Jr., Bienvenido Reyes, Conrado Vasquez Jr., at Myrna Dimaranan Vidal.

Sa ganang akin, naniniwala akong masasagot naman ng mga justices ang isyung ito, sapagkat lahat naman sila ay may integridad at sapat na kakayahan sa batas.

Ang paalala nga lamang natin sa lahat ay ang mga salita ni Zacarias sa Bibliya na galing sa Diyos, na ganito ang sinasabi: “Pairalin ninyo ang totoong katarungan; magpakita kayo ng awa at pagkalinga sa isat’ isa…” (Zacarias 7:9).

***

BFAD, DI KUMIKILOS SA JUNK FOODS: May mga reaksiyon sa sinulat natin dito kahapon ukol sa kawalan ng karapatan ng Bureau of Foods and Drugs (BFAD) ng Department of Health na magsalita man lamang sa isyu ng mga “killer milk” sa China, at marami sa mga reaksiyong ito ang kumakatig sa ating pananaw.

Ayon sa kanila, ang dapat na pinagkaka-abalahan ng BFAD, sa pamumuno ng kanyang Director, Leticia Gutierrez, ay ang mga kumakalat na double dead meat lalo na ngayong magpapasko, at yung mga pagkaing tunay na nakakasira sa kalusugan ng tao pero patuloy na ibinabandera sa mga commercials sa radyo, diyaryo at telebisyon.

Ang tanong ng mga kababayan natin sa BFAD ay kung bakit nananatili itong tahimik at walang ginagawa sa kabila ng pagpapatotoo ng maraming eksperto sa pagkain na ang mga processed foods at mga red meats—mga junk foods—sa mga pamilihan ay patuloy na namamayagpag gayong banta ang mga ito sa buhay ng maraming tao.

Bakit nga ba, Director Leticia Gutierrez? Ano ba ang dahilan at mukhang talaga namang wala yata kayong pakialam kung mamatay man ang maraming Pilipino sa mga walang kabuluhang pagkain na dapat ay pinipigilan ninyo sa pagkalat?

Saka na lamang ba kayo kikilos din kung may namatay ng Pinoy? Huwag niyong kalilimutan, ayon nga sa Mangangaral 12:14 ng Bibliya, lahat ng ating gawa, hayag man o lihim, mabuti man o masama, ay isusulit nating lahat sa Diyos.

***

TANONG: BATAS gud pm po ask ko lng po how to compute da separation pay kc ung agency ko reneklamo ko ng ilegal dismisal sa NLRC pinadalhan n cla ng notice (639202683681).

SAGOT: Salamat po sa tanong na ito. Sa ilalim po ng Artikulo 283 ng Labor Code of the Philippines, ang sinumang manggagawa na matatanggal sa tungkulin dahil sa paglalagay ng mga labor saving devices, o di kaya ay redundancy, ay dapat bayaran ng separation pay na katumbas ng isang buwang sahod para sa bawat taon ng serbisyo.

Samantala, kung ang pagkakatanggal ay dahil sa retrenchment to prevent losses o pagsasara ng negosyo, ang manggagawa ay dapat bayaran ng separation pay na katumbas ng kalahating buwan sa bawat taon ng serbisyo.

Sa kabilang dako, kung ang dahilan ng pagkakatanggal ng manggagawa ay ang pagkakaroon nito ng sakit na maaaring maging delikado sa kanyang mga kasamahan, kalahating buwan sa bawat taon ng serbisyo ang separation pay.

***

BATAS PARTY LIST: Maaari na po kayong maging kasapi ng BATAS Party List, o ang Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan. Ipadala po ang inyong mga pangalan at kumpletong address sa text 0919-609-64-89, o tawag sa (02) 433-74-49, (02) 433-73-53, o sa email sa www.batasnews.com, o sa  batasmauricio@yahoo.com, at sa sulat sa 18 D Mahiyain corner Mapagkawanggawa, Teachers Village, Diliman, Quezon City.

***

 

 

Ilocos Times copyright 2008

Back to top

Opinions / Columns

 

Lowering oneself

 

Made in China

 

Palin vs. Obama beauty contest if McCain disqualified because not ‘natural born citizen’

 

Weekend breathers

 

Nothing’s small

 

Showdown between Senate and Court of Appeals looms

 

Livelihood and environment in tandem

 

Workaholic!

 

Educators in Hong Kong

 

The powerless academic

 

Do I have breast cancer?