|
OPINIONS
/ COLUMNS
(September
15 – September 21, 2008) KAKAMPI MO
ANG BATAS Atty. Batas
Mauricio FM birthday, bakit di
ipinagdiwang? Happy birthday
President Marcos. Noong Septyembree
11, 2008 ay kaarawan ng namayapang dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.
Pero, ni hindi man
lamang kumilos ang gobyerno upang gunitain ito. Oo nga at sinasabing siya ay
diktador at naging punong-puno ng katiwalian ang kanyang pamamahala, pero
hindi maitatatwang maraming-marami din siyang nagawang mabuti para sa bayan. Kung ihahambing nga
siya sa ibang mga namuno sa atin, lilitaw na sisiw lamang ang mga akusasyon
ng pangungulimbat laban sa kanya. Mas malalaki nga ang
ninakaw ng iba, mas abusado at tiwali pa sila kaysa kay Marcos, kahit na
isama mo pa sa pagtutuos ang buong dalawampung taon niya sa serbisyo. Ganundin, ang
sobrang galit kay Marcos ng kanyang mga kalaban sa pulitika ay nagbigay pa sa
atin ng kamalasan. Dahil sa galit na ito, nailagay pa sa Saligang Batas ng
1987 ang paglaban sa pamahalaan ng sambayanan, sa pamamagitan ng tinatawag na
“people power provisions”. Kung susuriing
mabuti, ang mga probisyong ito, na nagbibigay karapatan sa mga kalaban sa
pulitika ng mga namumuno sa Malacanang na kumilos upang patalsikin ang
pangulo ng bansa, ay paglabag sa mga sinasabi ng Bibliya sa kanyang Roma
13:1-2 at 1 Pedro 2:13, na dapat
sumunod, hindi lumaban, ang mga tao sa pamahalaan. *** Miracles of the Cross
of Jesus. Magkakaroon na ng
Basilica of the Cross of Jesus sa Monasterio de Tarlac sa San Jose, Tarlac,
upang may mas malaking lugar ang mga
mananampalataya na pupuntahan upang makita ang isang bahagi ng sinasabing
krus kung saan ipinako si Jesus mahigit dalawang libong taon na ang
nakakaraan. Ang Basilica ay
itatayo sa isang malaking bahagi ng Monasterio, ayon kay film producer Ben
Yalung (kilala bilang may ari ng M 7 Productions), sa kanyang pagsasalita sa
ginanap na pagdiriwang noong Linggo, Septyembre 14, 2008, ng ikasampung taong
anibersaryo ng pagkakatag ng Servants of the Risen Christ Monastic Community
(SRC), ang grupong namamahala sa Monasterio. Dinesisyunan ng SRC,
sa pamumuno ng kanyang founder, si Fr. Archie Cortez, at ng mga supporters
nito, na magtatag ng Basilica of the Cross of Jesus, upang mapagbigyan ang
dumadaming mga tao na nagtutungo sa Monasterio na nagpapahayag ng kaganapan
ng kanilang mga kahiligan sa panalangin. Dahil mabilis na
kumakalat ang balitang nagmimilagro ang Diyos sa mga tunay at totoong
lumalapit sa Monasterio at ipinagdarasal doon ang kanilang mga hinaing at mga
pangangailangan, palaging puno ang maliit na simbahan doon at hindi na halos
magkasya ang mga taong nananalangin. Sa mga interesadong
makita ang bahagi ng krus ni Jesus at makaranas ng milagro, ang Monasterio ay
bukas kada Sabado at Linggo, at may ginaganap doong misa sa alas 9 ng umaga
sa mga araw na ito. Hanggang sa ngayon,
nananatiling gumagawa ng milagro ang Diyos sa mga nananampalataya sa kanya,
ayon sa Awit 77:14 ng Bibliya, na nagsasabi ng ganito: “Ikaw ang Diyos na
gumagawa ng mga milagro, at nagpapakita ng iyong kapangyarihan sa iyong
nasasakupan.” *** Ilocos Times copyright 2008 |
Opinions / Columns DOH Rat Plan mandatory: Not
recommendatory FM birthday, bakit di ipinagdiwang? Attn: Ilocano Bedans and
Red Lions fans |