October 22, 2006
THE ILOCOS TIMES - OPINION

PRANGKAHAN
Carlos Juan

ABC-Angry Barangay Chairmen?

Naglipana pa rin ang mga traysikel sa Laoag na mauusok?!

Ano kaya ang akala ng mga drayber sa mga taga-Laoag?! Killer Lamok?!

Nagkalat daw ang mga PLASTIK sa birthday party ni Bokal Michael Keon?!

Oo nga! May tatlong malalaking plastik daw dun noon?!

GAlit na galit daw ang mga Barangay Chairmen ng Laoag dahil sa di pa rin pag-apruba ng SAngguniang Panlungsod sa City Development Council Resolution?!

Sila ang tinatawag na The ABC (Angry Barangay Chairmen?!)

Marami na naman ang matutupad na pangarap ng mga mamayan sa Laoag dahil sa programa ni Mayor Michael V. Fariñas na Wish Ko Kay Mayor, sa darating na pasko!

Pero hanggang ngayon mga sariling pangarap ni Mayor para sa Laoag ay nahihirapan pa ring matupad dahil sa?????????! Tsk…tsk!

City Civil Security Unit Chief (Ret.) Col. Florentino Dumlao, taob kay Mrs. Hermila Carpio sa INEC directorship sa Paoay-Currimao at Badoc District!

‘Di niya kasi pinagana ang CSU (Cash, Soldier & Unlawful acts) nung eleksyon eh, hehe!

Siguradong hindi na raw masusunog ang Christmasterpiece ng Laoag!

Hindi na magiging christmASHterpiece ulit?!

Si Borgy Manotoc na raw at hindi si former First Lady Imelda Marcos ang tatakbong Mayor sa Maynila?!

Lola out, Apoko in?!

Former Laoag Mayor Roger Fariñas, binisita lahat ang mga “white elephants” na proyekto ng Provincial Government!

Pinatunayan niyang hindi “white lies” ang kaniyang mga sinasabi?!

Medical Officer ng DepEd Laoag City Division, mas inatupag daw ang seminar sa Baguio City kaysa sa kalusugan ng mga atleta ng lungsod during the City Meet?!

Mas importante sa kaniya ang Meet sa Baguio City kaysa ang City Meet sa Laoag?!

Aksyon Radyo Reporter Arlene Domingsil, uminit ang ulo kay City Fire Marshall Alfredo Guillermo?!

Buti’t hindi nasunog ang ulo sa init at binuhusan sana ng tubig ni Guillermo?!

Former Laoag Mayor Roger Fariñas, hindi raw naniniwala sa report ni Governor Ferdinand Marcos, Jr. tungkol sa crime rate ng Ilocos NOrte?!

Pati rin naman si Governor Bongbong, hindi rin daw naniniwala sa mga pinagsasabi ni Apo RCF?!

DREAM bridge ng Sarrat, Ilocos Norte, matutuloy na rin!

Magigising na rin sa wakas ang mga Sarrateños sa isang masamang panaginip?!

Napaiyak daw si Piddig Mayor Augustus Salazar nang makita niya ang nakahimlay na bangkay ng kaniyang pinsang si former Mayor GEneroso Aquino?!

NaGUSTUhan naman kaya ng mga nakakita ng pag-iyak ni AuGUSTUs?!

Mayor Michael V. Fariñas, aAKSYONan ang reklamo kontra kay City Fire Marshall S/Insp. Alfredo Guillermo!

Hindi kasi naging maganda ang AKSYON nito sa pag-interbyu sa kaniya ng AKSYON Radyo!

Tanong : Sinong Laoag Councilor ang magaling SUMAYAW?

Sagot : Eh, ‘di si Konsehal Jonjon DANCEL?! Hehe!

(Paalala lamang po! Ang pikon ay laging TALO!)

| Back To Top |

Copyright 2006 Ilocos Times. All rights reserved.
OPINION

EDITORIAL
Projects should not just be on paper

... SERIOUS BUSINESS - Falling way behind

... SERIOUS BUSINESS (2)- Why does poverty persist

... IN & OUT - Games

... IN-DEPTH - Scarce as hen’s teeth?

... IN-DEPTH (2)- Odds and ends

... ANALYSIS - Beware of reason

... ANALYSIS (2)- New evangelization

... KA IKING LIBRE - Complete employment and business services

... KA IKING LIBRE (2) - ‘Hug-a-Life’

... SHIFTING HANDS - Quo vadis Laoag, urbanization or stagnation?

... SHIFTING HANDS (2)- Rapid urbanization: Boon or curse?

... PRANGKAHAN - ABC-Angry Barangay Chairmen?

... PRANGKAHAN (2)/i>

... THE CANADIAN CONNECTION - Globalization: The Philippine Experience