PRANGKAHAN
KARMA daw sa Bacarra ang pagkamatay ni Ranier Esperanza dahil sa ‘di umano’y sangkot dito ang anak ng yumaong alkalde na si Derek Velasco, ayon kay dating Bokal Pacifico Velasco?!
Muntik daw magkairingan sina Laoag Vice Mayor Eddie Domingo at si KOnsehal Joseph Tamayo?!
Regular daw na naglilinis sa paligid ng Laoag City General Hospital ang mga probationers ng Laoag City Jail?!
Isang Comelec official ng Laoag, ahente daw ng isang drug testing laboratory?!
Dadami na naman daw ang mga pulubi na magkakalat sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod ng Laoag dahil malapit na raw ang pasko?!
Inamin daw ng DepEd Laoag na mahina ang pagpapatupad nila sa kautusan ng departamento hinggil sa pagbabawal sa mga frat?!
Isang sadistang mister daw dito sa Laoag, inireklamo ni misis?!
Inakusahan si IBP President Atty. Mariano Nalupta, Jr. na nanigaw kay Batac City Deputy COP Constante Medina?!
Pipilahan ni Nalupta si Medina ng kaso sa PLEB dahil daw si di makataong pagtrato ng huli sa kanilang naarestong suspek sa estafa?!
San Nicolas OIC Chief of Police Supt. Ernesto Bacuyag, inakusahang tumanggap ng komisyon sa naareglong kaso?!
Pinabulaanan naman ni Bacuyag ang akusasyon at sinabing nagpila ng affidavit of desistance ang complainant sa kaso dahil wala silang sapat na pera para ipursige ito?!
Libreng bakuna maibibigay sa mga DAY CARE pupils dito sa Laoag ayon kay Tourism and Social Concerns Council Chairperson Chevylle V. Fariñas!
Damili Festival sa San Nicolas, inaabangan!
Nais ni Laoag Councilor Francis Dacuycuy na maisagawa ang regular na medical mission sa Laoag City Jail?!
Walang anumang reklamo ngayon sa bagong Revenue District Officer Atty. Cesario Leynes ‘di tulad ng dating RDO na si Atty. Edward Obero na kaliwa’t-kanan ang intriga sa kaniya?!
Paalala lamang po! Ang pikon ay hahayaan ko pong mapikon! Ang sa akin lamang po Prangkahan lang, walang personalan! INBOX : Happy reading to San Nicolas Mayor Alfredo Valdez, Jr., Belated Happy Birthday to Dingras Mayor Marynette Gamboa and Happy reading too to all BIR employees especially to RDO Atty. Cesario Leynes! Thanks for being ka-PRANGKA! eMail : cjtorida1976@yahoo.com or charliejhon@lycos.com |
|