PRANGKAHAN (2)
Nainis daw ang isang kandidato kay Carlos Juan?!
NAKAKADUDA daw ang loyalty ni Batac Mayor Jesus Nalupta, Sr. sa mga Marcoses?!
Sa wakas, nag-resigned na (ulit) si Mrs. Leah Foz sa Provincial Government dahil sa pagsabak niya (ulit) sa pulitika sa bayan ng Vintar!
PSYCHWAR tactics daw ang ginagawa ng isang kandidato sa pagka-alkalde dito sa Laoag?!
Nais daw ni Laoag Mayor Michael V. Fariñas na maipatupad sana ang HIGH LEVEL of campaigning ng mga kandidato lalo na sa lungsod!
Karamihan na raw sa mga kandidato ang UMITIM na ang balat dahil sa walang-puknat na pamamasyal nila sa iba’t-ibang lugar para mangampanya?!
Marami din daw ang nagka-SINUS na kandidato sdahil pa rin sa pagsabak nila sa kampanya dito, kampanya doon! Sigaw dito, sigaw doon! Batikos dito, batikos doon!
Nahilo daw ang ibang botante dahil sa nakitang magkatabing posters daw nina Laoag Mayor Michael V. Fariñas at Konsehal Primo Jay Ramos na tumatakbong Vice Mayor?!
Bahagi pa rin daw ng maruming taktika ng pangangampanya ang nakitang posters nina MVF at Apo Jay?!
“It pains me!” Ang sambit ni Mayor Michael V. Fariñas dahil sa lumabas na balita na ‘di daw umasenso ang Laoag sa kaniyang pamumuno?!
‘Di raw apektado ang friendship nina Mayor Michael V. Fariñas at ni Bokal Michael Keon kahit katunggali ng huli ang tiyuhin ng una na si Atty. Rudy Fariñas sa pagka-Governor?!
Sama Summer Together (SST) program ni Mayor MVF, dinagsa ng mga partisipantes!
Kung tinaguriang LAOAG IDOL daw si Konsehal Primo Jay Ramos, LAOAG PIDOL naman daw si Apo Eddie Domingo?!
Text propaganda laban sa isang kumakandidatong pulitiko sa Ilocos Norte, pinagpapasahan?!
Hindi raw apektado si former Governor at Congressman Rudy Fariñas sa anumang pagtuligsa sa kaniya?!
Paalaala lamang po! Ang pikon ay hahayaan kong mapikon. Ang sa akin lamang po, trabaho lang, walang personalan! Salamat! INBOX : My warmest greetings to Mr. Ray Villanueva, former employee of Philippine Information Agency (Ilocos Norte) who is now based in Califonia. He is an avid reader of Ilocos Times through the website! Thank you! Happy reading too to Ms. Miriam Damo sa may Governor’s Office, Provincial Capitol. eMail : cjtorida1976@yahoo.com or charliejhon@lycos.com |