May 6, 2007
THE ILOCOS TIMES - OPINION

PRANGKAHAN
Carlos Juan

Ang Apilyedo ng Ina Mo!

Hinamon daw ni (Ret.) Gen. Rowland Albano ng takbuhan si Mayor Michael V. Fariñas?! Pero ngayon iika-ika na raw siyang lumakad?!
‘Di kaya big letter “K” ‘yun?!

Sabi sa isang TV political ad, “Sex is Future?!”
Sabi kasi : “Si Ping ang kinabukasan!”

Naghahamunan ang mga kandidato ng DEBATE!
Talaga naman oo! Mga kandidato talagang ‘DI BATI!

Tinatawag pala nilang WAVE ang pagbibigay ng pera ng mga kandidato sa mga botante?! As in 1st wave, 2nd wave…
Wala daw WAVE ang kampo ni Albano, ang alam lang niya is TIDAL WAVE?!
ANG LAKING PERA NAMAN ‘YAN?!

Mayor MVF wishes a 10-0 SWEEP in the City Council!
‘Di kaya ma-SWIPE ng mga kalaban nila ang kaniyang wish?!

Inakusahan daw ni former Governor Rudy Fariñas na ABSENTEE governor si Gov. Bongbong Marcos?!
Palagay ko ABSENT si Apo Rudy noong PRESENT si Apo Bongbong?!

Magiging ala-ala na lang daw para kay Bokal Micheal Marcos Keon ang kaniyang pagtakbo bilang governor dahil hindi daw ito kayang talunin si Atty. Rudy Fariñas?!
MMK- Maala-ala Mo Kaya?!

DUWAG daw si Governor Bongbong Marcos noong siya’y Congressman dahil ayaw niyang ma-interpellate sa kaniyang privilege speech?!
DUWAG din kaya si Apo Rudy dahil ayaw niyang labanan si Apo Bongbong noong nakaraang eleksiyon?!

Sabi ni former Governor Rudy Fariñas, nagpapraktis daw ng ILLUSION si Governor Bongbong Marcos dahil gasgas na daw ang kaniyang mga pinagsasabi?!
Tama naman kaya itong praktis ni Apo Rudy na ACCUSATION?!

Lumala daw ang ‘dynamite fishing’ sa era ni Apo Bongbong as Governor?!
Nagraira ti panagbungbong iti panawen ni Apo Bongbong?!

Naniniwala daw si dating governor Rudy Fariñas na desperate move ng kampo ng mga Marcoses ang house-to-house campaign nila para sa kandidatura ni Bokal Michael Keon?!
Naisip kaya ni Apo Rudy na kung minsan, ang DESPERADO ay siya ang NAGWAWAGI?!

Sabi ni Bokal Michael Keon, noon daw panahon ni Atty. Rudy Fariñas as governor, nag-iimport daw siya ng mga players para kumatawan sa Ilocos Norte sa mga sports competition?!
Sabi naman ni Fariñas, ‘di kaya alam ni Keon na siya ang tunay na IMPORT dahil inimport siya noon ni former President Ferdinand Marcos from Australia para maging pinuno ng Gintong Alay?! At siya pa ang nagmaniobra sa citizenship nina Jeffery Moore at Dennis George Still na IMPORTED na basketball players para maging manlalaro ng bansa?!

Pangako daw ni former governor Rudy Fariñas ang pagpapatayo ng SM dito sa Laoag kung maluklok uli siya sa kaniyang dating puwesto?!
Sabi ng mga tao, Sana Manalo! Sabi naman ng iba, Sana Malasin!

Napakaplastik daw ng ibang kandidato dahil sa paggamit pa nila ng apilyedo ng kanilang ina para lang makahakot ng boto sa mga kamag-anak nila?!
‘Pag nanalo na ang mga ‘yan ‘di na ilalagay ang apilyedo ng ina nila sa kanilang pangalan! Pustahan tayo!

Paalaala lamang po! Ang pikon ay hahayaan kong mapikon! Trabaho lamang po, walang personalan!

eMail : cjtorida1976@yahoo.com or charliejhon@lycos.com

| Back To Top |

Copyright 2006 Ilocos Times. All rights reserved.
OPINION

EDITORIAL
What lies ahead after May 14?

Opinion / Columns :

... LETTER TO THE EDITOR: Dead heat in the Ilocos Norte gubernatorial race?

... IN & OUT - The heart of the issue

... IN-DEPTH - Election spin-offs

... ANALYSIS - Fragile emotions

... BIZBUZZ - Linkage politics and policy convergence

... PRANGKAHAN - Ang Apilyedo ng Ina Mo!

... PRANGKAHAN (2) - High (Risk) Level?!

... THE BARD OF BLAISE - Sama Summer Together